Sabi nila,ang buhay ay parang gulong.Minsan nasa ibabaw,at minsan naman ay nasa ilalim.Maraming mga problema, alalahanin, pangangailangan at walang katapusang paghihirap.Ngunit sa kabila ng lahat ng yan, mayroon pa ring pag-ibig na nangingibabaw. Pag-ibig na binigay ng Maykapal para sa sangkatauhan.Pag-ibig na kayang sakupin ang lahat ng bagay at Pag-ibig na walang hanggan.......................
"tik-ti-la-ok" Umaga na naman sa Baryo Silangan.Kayod dito,kayod doon.Halos lahat ng makikita mo sa lugar na to ay hindi kanais-nais.Tulad na lang ng mga basurang nakakalat sa tabi-tabi,nakahubad na mga batang naghahabulan,mga lasing na kumpareng nagbabangayan at mga tsismosang pakalat-kalat sa tabi.Ito ang teritoryo namin.Teritoryong pangmahirap lamang.Haay,,,sana balang araw makaalis din ako sa lugar na to, pangarap ko na makatira sa mansyon,makasakay sa mga magagarang sasakyan ,mga katulong na pwede mong utusan,mga................"Angela!!!!!nasaan ka na ba?......yung sinaing sunog na...." Sya nga pala.Narinig niyo ba yung sumigaw na yon,yun ang nanay ko.Maganda,Matapang at sigaw ng.... "Angela!!!!!!!..isang tawag ko pa sa yo at pupukulin kita ng martilyo."
"Pambihira naman inay,nasa likod mo lang ako eh sigaw ka pa ng sigaw."
"Halika ka ngang bata ka,pambihira,,labing limang taon ka nang nabubuhay sa mundo,hanggang ngayon hindi ka pa natututong magsaing ng maayos.Palibhasa kasi namumuhay ka lang sa mga imahinasyon mo.Iniisip mo na mayaman tayo,pakiramdam mo aangat ka pa sa lagay na to.Gumising ka nga sa katotohanan,pinanganak kang mahirap at mamamatay ka ring mahirap!!!!!!!."
"Pero nay,hanggang dito na lang ba ang gusto mong abutin?,,ang habang buhay na manirahan sa dampang ito?Ako nay,kahit kaylan hindi ako tumigil na nangarap na aahon din tayo,at kahit kaylan hindi ako tumigil na maniwalang mayroon kaming tatay at makikita rin namin sya pagdating ng panahon"
"wala ka ng tatay,wala na sya,iniwanan niya na tayo,pasalamat nga kayo at nabubuhay ko kayong apat na magkakapatid,pasalamat kayo at malakas pa ako,at pasalamat ka rin,na kahit mahirap tayo,nagawa mo pang mabuhay sa mundong ito!Tignan mo yung ate mong si Jamella,kahit papano nakatapos siya sa highschool,yung sumunod syo na si Marco na kahit nag-iigib ng tubig ay nagawa pa ring maging top sa class at yung bunso mong kapatid na si Barbie.Lahat sila nakakatulong sa akin.Gayahin mo nga sila ......."
"Pero nay....."
(biglang papasok si Kiro)
"Magandang Umaga!!!!!!!!!!!!,,,hoy prendship!..tara na mala-late na tyo sa klase...excited pa naman akong pumasok sa ika-apat na taon natin sa highschool,kaya tara na."
"o siya lumakad na kayo,ng sa gayo'y manahimik na dito sa bahay"ani ng aking ina.
Pinapakilala ko nga pala sa inyo si Kiro,ang aking nag-iisang kababata.Matalik na kaibigan ko yan.Hindi ko naman masasabing gwapo siya pero mabait sya.Habang tinatahak namin ang kalsada papuntang Ramon Magsaysay High School,bigla ko lang naalala na nakalimutan ko ang attache case ko sa bahay namin.Kaya agad akong kumaripas ng takbo at sinabi ko kay Kiro na mauna na siya.
Pano ba yan malalate na ako......kaylangan ko pang tumakbo ng tumakbo..takbo..takbo...sige...takbo pa.....ng biglang.............BEBEEEEP!!!!!!!!!!
BOOM.....sabay higa sa sahig ng mabunggo ako ng isang white ford na kotse.
"Miss,are you okay?.....Are you hurt or something?.Do you mind if i bring you to the hospital right now?..
"No,no,,,,,sure to be that im okey..I not sugat-sugat..okey me.....No hospital i be late in school.....ummmhhh..promise.peksman"
"It seems to be that we're on the same school."
"No,,,rich people do not study in school like us..only poverty..ahhhh...i mean poor"
"you're ridiculous,public school isn't for unfortunate people only,....here,...let me give you a hand..."
"thank you"
"I'm Anniken by the way.Anniken Salonga.And you are...?"
"ha....ummh..im Angela,Angela Angeles.
"Nice meeting you Angela,ohh......its already 7:00 am,we're getting late.Ride with me.We're going to school."
"No,thanks.....i go to my house first of all..."
"are you sure about that?........sige mauuna na ako sayo".
Lokong mokong yun oh...biruin mo marunong palang magtagalog.Nag nosebleed tuloy ako sa "spokening dollars" niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment